• 21st October
    2014
  • 21

Kanina wala si J tapos magkahiwalay si K at A. Medyo malungkot ako para kay A kasi siya lang mag-isa tapos si K kasama na naman ‘yung isa. Ganun ba ‘yun? ‘Pag wala si J hindi na rin magkasama si K at A? Okay lang na ako ‘yung mahiwalay eh pero ayokong nakikita sila na hindi buo. Naawa ako kay A kaya pinatawag ko kay Zelle na sumama sakin. Oo, hindi ko sila pinapansin. Oo, mukhang wala akong pake. Oo, parang hindi ko sila kilala. Pero, deep inside, I care for them. Kaibigan ko pa rin sila at ayokong makita na gan’un sila. 

  • 21st October
    2014
  • 21

Current happenings

-Ayun, di pa rin kami nagpapansinan. Si J lang pinapansin ko. Ewan, di ko alam. Di pa time? Ewan ko ba. Basta ‘yun, okay naman. 

-Tapos ayun, sembreak na ng iba kami hindi pa HAHAHA. November pa ang sembreak ng UST at January na ulit ‘yung balik namin :D

-Speech ko na bukas at ang topic ko ay about sa love (hugot feels) :D

-‘Yung PE class namin, which is social dancing. Ayun, nakakatuwa lang kasi naka flat 1 (96-100) ulit ako sa practical exam. Sana sa huling practical exam at sa finals rin namin :))

-Ayun lang muna HAHAHA

  • 21st October
    2014
  • 21
  • 6th October
    2014
  • 06

Pain. Paminsan worth it lahat ng sakit na nararamdaman natin. Paminsan kailagan natin masaktan para matuto. Pero sana sa bawat sakit na nararamdaman natin may leksyon na natutuhan. Apat lang na letra pero sobran sakit. Worth it paminsan pero pagsobra nakakamatay  na.

Pain. Paminsan worth it lahat ng sakit na nararamdaman natin. Paminsan kailagan natin masaktan para matuto. Pero sana sa bawat sakit na nararamdaman natin may leksyon na natutuhan. Apat lang na letra pero sobran sakit. Worth it paminsan pero pagsobra nakakamatay  na.

(via marlabsporlayp)

  • 6th October
    2014
  • 06
Dati hindi ako naniniwala na therapy ang Arts. Pero ngayon I believe our Humanities teacher. Effective nga siyang therapy. Kahit hindi maganda basta andun ‘yung puso mo sa paggawa mafe-feel mo ‘yung drawing.

Dati hindi ako naniniwala na therapy ang Arts. Pero ngayon I believe our Humanities teacher. Effective nga siyang therapy. Kahit hindi maganda basta andun ‘yung puso mo sa paggawa mafe-feel mo ‘yung drawing.

  • 6th October
    2014
  • 06

Tama na naman ako.

Buti na lang talaga at hindi 100% ‘yung binigay ko sa mga taong ‘yun. Alam ko naman kasi sa huli na ako ‘yung kawawa at ako lang din ‘yung masasaktan.

Alam n’yo ‘yung mga kaibigan ko na kinukwento ko dito sa Tumblr? ‘Yung mga recent posts ko. ‘Yun. Alam kong ‘yung 2 sa kanila ay may Tumblr at alam kong mababasa nila ‘to anytime pero wala na akong pakialam ‘dun dahil eto ‘yung nararamdaman ko. Hindi ko na kayang magpretend na masaya ako at kaya ko pang tiisin lahat.

Kasi nagkaproblema kami. Dahil na naman sa ‘kanya’. Dahil kay K. Simula pa lang naman nung pagkakaibigan namin eh, puro sa kanya na lang. Akala mo sa kanya lang umiikot ‘yung buong friendship namin. Tapos nung Monday last week, kakausapin siya dapat nila J at A. Wala naman akong problema sa kanya nung time na ‘yun. Siguro inis pero wala talaga, swear. Pinapansin ko pa nga siya nun eh. Nakakainis lang kila J at A ay ako pa raw ‘yung galit kay K. WTF?! Parang nagmamalinis silang dalawa na hindi sila galit sa kanya. ‘Wag nga ako. Nakakainis lang kasi ayoko ng gan’un. Ayoko ng nagmamalinis at ayoko nang ako ‘yung sinisisi. Feeling ko napagtutulungan ako. Nag-walk out ako after nung scene na ‘yun. Ayoko ng ganun.

Tapos tumagal lang naman ‘yung ‘di namin pagpapansinan ng isang linggo na ngayon. Ang saya ‘di ba? Ganun sila sakin. Kaya nila akong tiisin ng isang linggo samantalang nung mga panahong may problema sila kay K, wala pang isang araw natetext na nila at pinapansin. Grabe lang talaga, may special treatment sa friendship. Hindi ko talaga alam kung bakit gan’un sila sakin samantalang sa pagkakaalam ko, ako ‘yung walang kasalanan. Lagi ko silang iniintindi lahat tapos in the end ako pa ‘yung gaganyanin nila. 

Siguro magkakapatawaran rin kami balang araw pero I doubt na mababalik pa ‘yung dati. Ayoko na. Mabilis akong madala. Mabilis akong magsawa. Hindi lang sila kaibigan ko sa buong mundo. Hate me, pero eto talaga ako. Pinakita ninyo na agad sakin kung paano ninyo ako tratuhin. Tama na, ayoko na. Sa simula naman kayong tatlo lang talaga eh. Ako naman ‘yung madalas OP. Wala ‘yung sense of belonging sakin.

Tapos isa pang nakakasama ng loob. ‘Yang si K, ewan ko ba kung anong problema niya sakin at ginagawaan niya ako ng issue sa mga classmates namin. Una ‘yung kay Nette, kesyo narinig niya kami nila Zelle tapos sinabi niya kay Joaquin ‘yung sinabi ko kay Nette na “Kahit hindi ka na sumama, okay lang.” Eh **** biruan lang naman namin ‘yun at nagtatawanan lang kami. Anong gusto niyang palabasin? Pag-aawayin niya kami ni Joaquin. Nakakapang-init talaga ng dugo. Tapos isa pa, ‘yung kay Macey. May problema raw ako kay Macey. Mamatay na talaga may pake sa kanilang dalawa. Wala nga akong pake sa tao kasi normal naman kami sa isa’t isa tapos gagawan pati kami ng issue. Bwiset lang talaga. Kalalaking tao gumagawa ng issues. So gay, dude. Grow up!

Nakakainis talaga. Tinatamad akong pumasok bukas kasi makikita ko na naman sila. Kung pwede lang i-blurr sila sa mga mata ko gagawin ko. I hate them, especially him. Para ngang kahit i-fix ‘yung friendship namin ayoko eh (‘yung sa kanya lang). Mapride na ako kung mapride pero the hell. I can find better people. Die, please?

  • 2nd October
    2014
  • 02
  • 1st October
    2014
  • 01

'Yung iba masaya na maka-3 samantalang ako flat 2.0 pa lang 'yung pinakamababa tapos grabe kung madepress. Tae, naasar talaga ako sa sarili ko. T_T

  • 1st October
    2014
  • 01
  • 1st October
    2014
  • 01

Insecurities. Pressure.

Naiinis na talaga ako sa sarili ko eh. Napaka-grade conscious ko na. Dati hindi naman ako ganito :((. Buti medyo nabawas-bawasan na ngayon hindi tulad last week pero ganun pa rin ‘yung feeling ko. Tapos pine-pressure ko pa sobra ‘yung sarili ko na ‘ganito ganyan’ dapat. Ewan ko ba. Nakaka-asar pero wala naman akong magawa sa sarili ko kundi maasar. HAHAHA. Gulo ba? Basta ganun. Para akong tanga na kahit mataas naman ‘yung grades ko parang nabababaan ako. ‘Pag hindi ako ‘yung highest sa klase, nalulungkot ako. ‘Pag ako naman ‘yung highest, hindi pa rin ako masaya.

Ite-therapy ko na nga ‘yung sarili ko. Kailangan ko makuntento.